Where Sins Are Made Then Burried
message

     Hindi ako magsasawang umupo ng matagal habang humihigop ng mainit na kape at tumitig sa ganda ng sikat ng araw. Bukod dito, mas lalong hindi ako titigil mangarap na mukha mo ang laging bubungad sa aking umaga at makasama habang may ipinagkakaloob sa’king bagong araw. 

Umuwi ako mag-isa ng may pangamba
Lulan ako ng sasakyan na ‘yon
At ikaw lang ang ini-ilusyong makasama
Tipsy, mainit at ako’y pawisan
Ramdam ko rin ang bawat kaldag ng daan
Pati na ang pag-undayog ng aking katawan
Lumingon ako sa gilid
Pinapangarap na ikaw’y na sa’king tabi
Madilim at wala akong maaninag
Bigla ko na lang naisip na
Namimis ka ng aking kalamnan
Ngayong gabi, nais kitang matikman  

Hello, babyboy. Happy Birthday!

Love,
Your pa-best-girlfriend 

(Source: laglagpanty)

Le Bufra’s thank you message.

Le Bufra’s thank you message.

     Hangga’t nandito ako, hangga’t nakikita ko ang mga titig n’yong tila kinukutya ang buong pagkatao ko, hindi maiibsan ang paniniwala kong hindi ako sapat at kulang ang pagiging “ako”.

(Source: marianojuancho)

     Nangako na ‘ko sa sarili kong hinding-hindi ko na iba-brag na sobrang cute ko.

"We’re luckiest by far coz’ in the end love can do anything."
―Franco, A Mass For The End Of Time
Bragger friend here.

     Sa tuwing maglalakad ako, ramdam at alam kong tinitingnan ako ng bawat taong makakasalubong ko. Uno porsyentong nagyayabang ako ngayon pero sureball na totoo ang unang pangungusap na nabanggit ko. Pagtaas ng kumpyansa sa sarili at kaunting self-esteem ang dala ng bawat titig nila sa’kin— may nakatutuwa, minsan nakaka-umay, at oo, may napapangitan. Wala naman akong pakialam! Basta ang alam ko, binuhusan n’yo ako ng atensyon ngayong araw na ‘to. 

     Hindi ko rin maipalawinag kung bakit bukod sa pangarap kong tantanan na ng jowabelz ko ang mundo ng Internet, pangarap ko rin ang makipagkilala sa isang malupit at tunay na estranghero. Mukhang nasabi ko na ‘to noon. ‘Yung tipong nagkatitigan lang sa jeep tapos ia-abot ko ang kamay ko sabay bigkas sa pangalan ko. Babae ako pero tila umuurong ang bayag ko sa tuwing nararamdaman ko ang mga pangyayaring nais ko. 

     Bale kase kanina, galing akong Libis, pauwi ng bahay para bigyan ng mumunting cake ang nanay ko. May nakasabay ako na kung bibigyan ko ng deskripsyon pang pisikal, e ‘yun talaga ang “type of guy” ko. Bilang ma-pride ng kaunti, ayoko talagang sa’kin nanggagaling ang unang tingin. At bilang magaling ako sa pakiramdaman, sigurado akong nakatitig s’ya sa’kin.  Putang ina! p’wera pagiging pilingera, pero pangako, nakatitig nga s’ya. 

     Sinisimulan kong nang dumiskarte, ang gusto ko sanang mangyari, hindi n’ya mahuling nakatitig ako pero maramdaman n’yang tintingnan ko s’ya. Oo, medyo mahirap pero mukhang nagtagumpay naman ako. Habang tumutugtog ang “Paint My Love” sa jeep na sinasakyan namin, nagkakatamaan na ang titig namin sa isa’t isa. Hindi lang isa, may pangalawa at pangatlo. Hanggang apat pa nga yata. Naramdaman kong bababa na s’ya, alam ko na rin ang diskarteng gagawin niya— pumara, maglakad payuko para makababa ng jeep sabay i-lilingon ang ulo sa’kin. Masikip ang jeep, malamang at natural na magkakalapit ang mga mukha namin at magkakatitigan ng malapitan. Hanggang makababa na nga s’ya ng jeep. Lumingon ako ng isa, nakatitig siya. Kinilig na lang ako tapos i-babaon na sa limot ang lahat ng nangyari— ang titigan at ang mukha ng lalakeng ‘yon.

     Sayang! Paano kung ‘yun pala ang tinatawag na “Man of God”? Paano kung kami pala talaga kung totoo man nga ang sinasabi nilang tadhana? Sayang. Bakit kase pinalagpas pa niya ‘yung pagkakataon na ‘yon? Bakit hindi niya kase kinuha ang pangalan ko, o nag-hi man lang? Sayang. Pero naisip ko, kung totoo man nga ang tadhana, ‘yun lang siguro talaga ang i-tinadhana para sa’ming dalawa. 

     Also, inaya kong makipag-date sa’kin ang jowabelz ko kaso mukhang nakatadhana ring i-reject n’ya ‘ko. Ang sakit sa ego, bro!